Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2018

IMPOSTOR SA DOH, BINALAAN

NAGBABALA si Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo sa publiko at sa mga local government units ang raket ng ilang  impostor na umano’y gustong tumulong sa mga nabakunahan ng dengvaxia. Nabatid na nakarating sa kanyang tanggapan na ilang grupo ng indibiduwal na umano’y mga nagmamagandang loob na tumulong sa mga nabakunahan ng dengvaxia at nagrerequest ng tulong at humihingi ng mga dengue kits upang umano’y ipamigay sa ilang estudaynte ng Malakaban, Binangonan, Rizal. Ipinapaalam ni Janairo sa publiko na walang sinumang bata sa nasabing lugar  na nakakarananas ng anumang kumplikasyon matapos itong mabakunahan ng Dengvaxia. “We wish to inform the public that there are no such children suffering from any complication against Dengvaxia in the area. Such unscrupulous demands will not be entertained, allowed, tolerated nor given support of any kind.” pahayag ni Janairo Ayon pa kay Jana