NAGBABALA si Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna,
Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo sa
publiko at sa mga local government units ang raket ng ilang impostor
na umano’y gustong tumulong sa mga nabakunahan ng dengvaxia.
Nabatid na nakarating sa kanyang tanggapan na ilang grupo ng
indibiduwal na umano’y mga nagmamagandang loob na tumulong sa mga
nabakunahan ng dengvaxia at nagrerequest ng tulong at humihingi ng mga
dengue kits upang umano’y ipamigay sa ilang estudaynte ng Malakaban,
Binangonan, Rizal.
Ipinapaalam ni Janairo sa publiko na walang sinumang bata sa nasabing
lugar na nakakarananas ng anumang kumplikasyon matapos itong
mabakunahan ng Dengvaxia.
“We wish to inform the public that there are no such children
suffering from any complication against Dengvaxia in the area. Such
unscrupulous demands will not be entertained, allowed, tolerated nor
given support of any kind.” pahayag ni Janairo
Ayon pa kay Janairo, na kung sino mang indibiduwal o grupo na
nagpapanggap na nagmamagandang loob na tumulong ay agad na i-report sa
Department of Health Task Force na may telepono na (02) 711-1001
hanggang 02; Smart (0920) 110-7498; Globe (0917) 0915- 7725621.
Dagdag pa ni Janairo na may direkta silang pakikipag-ugnayan sa mga
magulang ng mga bata at nasa proseso na sila ng pagbibigay ng
serbisyong medical sa kanila.
Nakahanda naman ipatupad ang karampatang parusa na naayon sa batas sa
sinumang nagplaplano na sumasakay sa isyu ng dengvaxia at malinlang
ang mga kabataan. GENE ADSUARA

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento