Lumaktaw sa pangunahing content

BEEMA BAMBOO, SAGOT SA MARUMING KALIKASAN



PAGTATANIM NG “BEEMA BAMBOO”, SAGOT SA MARUMING KAPALIGIRAN

MAY nahanap nang solusyon ang Department of Health (DOH) – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) upang mabawasan ang epekto ng lason sa hangin, lupa at tubig na naapektuhan ng pagmimina ng Marcopper mining sa Boac, Marinduque.

Ayon kay  DOH-MIMAROPA Regional Director Eduardo C. Janairo na batay sa kanilang pananaliksik na makakatulong ang pagtatanim ng Beerma Bamboo  sa kapaligiran na naapektuhan ng pagmimina na siyang nag-a-aborb ng mga toxins nito.

Ang Beema bamboo ay tatlong beses na makapal sa isang ordinary o lokal na kawayan  na sumisipsip sa maruming hangin o polusyon sa lupa at tubig. Nagbubuga din ito ng 12 tons na oxygen sa hangin.

Nagsagawa ng pagtatanim sa naapektadong lugar sa Boac River at Sitio Pulong sa Barangay Capayang, Boac Marinduque ng regional, provincial at lokal na pamahalaan ng MIMAROPA.

Sa kasalukuyan ay Beema bamboo mayroon ng 25,000 na nabiling binhi mula India na kasalukuyang nasa pangangalaga sa isang Nursery sa Marinduque State College na maaring maitanim sa kalaunan.

Bukod sa nakakatulong sa kalikasan ang Beema bamboo ay maari ding pagkakitaan dahil nagagamit din ito sa paggawa ng upuan, sahig, dingdig at maging isang tulay.

Samantala, pinasaya naman ang may 50 mga nakatatanda nang mamigay ang DOH-MIMAROPA ng libreng pustiso kasabay ng paglulunsad “Ngipin Para Kay Tatang at Inang” (NgiTI) sa pagdiriwang ng“Elderly Filipino Week” na isinagawa sa Romblon State University sa Odiongan, Romblon.

“This is our way of expressing our gratitude to our elderly for their sacrifices in safeguarding our generation by keeping us safe and healthy as we also give them health and protection as they enjoy a more productive journey through life,”  ayon kay Janairo.

Bukod sa pamimigay ng mga pustiso, nagbigay din ng mga serbisyo tulad ng  pit oral prophylaxis, fluoride varnish application at restorative treatment procedures. Namigay din ng hygiene kit at free medical at eye checkup at mga salamin para sa mga senior citizens

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IMPOSTOR SA DOH, BINALAAN

NAGBABALA si Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo sa publiko at sa mga local government units ang raket ng ilang  impostor na umano’y gustong tumulong sa mga nabakunahan ng dengvaxia. Nabatid na nakarating sa kanyang tanggapan na ilang grupo ng indibiduwal na umano’y mga nagmamagandang loob na tumulong sa mga nabakunahan ng dengvaxia at nagrerequest ng tulong at humihingi ng mga dengue kits upang umano’y ipamigay sa ilang estudaynte ng Malakaban, Binangonan, Rizal. Ipinapaalam ni Janairo sa publiko na walang sinumang bata sa nasabing lugar  na nakakarananas ng anumang kumplikasyon matapos itong mabakunahan ng Dengvaxia. “We wish to inform the public that there are no such children suffering from any complication against Dengvaxia in the area. Such unscrupulous demands will not be entertained, allowed, tolerated nor given support of any kind.” pahayag ni Janairo Ayon pa kay Jana